Kung Gaano Karahas ang Ating Panahon

NI RICHARD GAPPI
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VII, No. 25, July 29-Aug. 4, 2007

Mga mamamayan at artista ng daigdig:

Noon,
nang bumagsak ang bomba —
atomika sa Hiroshima, may
“isang anino na ibinakat ng araw
sa hagdan sa harapan ng isang gusali,
na inupuan ng pagal na mama
na-radiation ang katawan.” *
Humiwalay sa katawang tao
ang kanyang anino.

Ngayon,
nasaan sina
Sherlyn Cadapan
Karen Empeño
at mga tulad nilang
hinablot ng dilim?
Silang nagkakabit ng mga pulang parol
upang lumiwanag ang bawat bahay at buhay
ng mga nasa liblib na lugar…

Ni wala silang anino.
Nasaan ang kanilang katawang tao?

Mga mamamayan at artista ng daigdig:

Ganito karahas ang ating panahon —
pinapipili tayo
kung alin sa dalawang sungay
(noon o ngayon?)
ang hindi sagad-sagaran;
kung alin sa dalawang sungay
(noon o ngayon?)
ang mababaw lamang makasuwag
kung tumarak sa kaibuturan.

Ng ating katawang tao. Ng ating pagkatao.
Ng ating karapatang pantao na mabuhay sa mundo.

Inilathala ng Bulatlat

*halaw sa tulang “Hiroshima” ni Marra PL. Lanot na nalathala sa kanyang aklat na Witch’s Dance at iba pang tula sa Filipino at Español, pahina 114. Inilathala ng Anvil Publishing noong taong 2000.

Ang tulang ito ay bahagi ng eksibit ng Amado V. Hernandez Resource Center (AVHRC) hinggil sa Human Security Act. Nauna nang itanghal ang eksibit noong Hulyo 1-13 sa harap ng Vinzon’s Hall sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa Diliman, Lungsod Quezon.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: