Pag-aaklas

-Rey Tamayo

Palasak na wika ang salitang pag aaklas 
Dulot ng kawing kawing iba’t ibang kadahilanan 
Nag sisilbing panagot sa pang aaping naranasan; 
At mga kabiguan sa mga taong pangahas. 
Ngunit ang puhunan ng mga ito  
Ay ang tapang at talino  
Upang maibagsak ang mapaniil na isipan. 
Gumiba ng mga prinsipyo at kathang mapanlinlang 
At maitanyag ang paniniwalang totoo. 
Ang adhikaing magpapalaya  
Sa mga bilanggo ng pag-kaapi 
 
Pag aaklas laban sa kamay ng berdugo 
Upang itong buhay, makakalag sa tanikala. 
Anupa’t ialay kung minsan 
Itong dunong at lakas 
Kahit na ang kapalit ay magitlang kamatayan 
Dumaloy man ang dugo 
Sa kamay ng bala ng kalaban. 
Ang mahalaga’y hawak ang isang paninindigan 
Ang mabuhay tuwina 
Sa marangal na bayan, 
Kaluluwa nitong watawat ay ang pag-aaklas.
 
 
 
 

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: