Berdugo

— Francisco Arias Monteseña

Pinaglalaho mo ang mga salita;
Pinatatahimik ang nais magwala.
Ang nasimulan ng mga inaakalang kalaban
ay tinatakpan ng guho pati na
ang anumang natitirang karapatan.
Manangis man sa natabunang hukay
ang lahat ng saksi sa iyong katampalasanan,
wala silang magawa. Ay! Mga walang ginagawa
Ngayon ang panahong ubod ng talas
ng tabak mong hawak sa pagtigpas
sa ulo ng lahat ng nais kumalas
sa di na matiis na paghihirap.
Sa iyong mukha ay walang banaag ng awa
ang humahaplos sa nakakalat na pugot.
Pagkatapos ay nagagawa mong humarap
sa iyong mga anak nang may ngiti;
Iniyayapos mo sa iyong asawa
ang iyong mga kamay
na tila walang lansa ng dugo.
Hindi mo lang siguro nakikitang
sa iyo ay nakakuwintas ang mga bungo
ng mga taong iyong iniukit ang pangalan
sa iyong ipinagmamalaking tabak.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: