Bawal Ang Makulit Sa Puting Kahoy

-Dennis Espada

Nagagalit sa makulit ang mersenaryo

kaya tinaboy ang kaanak at boluntaryo.

“Nasaan ang anak ko?” tanong ng ina,

wala man lang imik ang kaharap niya.

Sa halip, nakatikim sila ng sampal,

hambalos, tadyak, suntok, pananakal.

Ininteroga ang iba matapos gulpihin

gayong militar ang may dapat sagutin

sa malimit na pagdukot at pagpatay

ng pinaghihinalaan nilang kaaway.

Ang asong-ulol walang tamang tugon

kaya nananakit sa mga nagtatanong.

Napipikon na ang may pinagtatakpan

sa pag-usisa ng inang nagulumihanan.

Kung kagagalitan lagi ang makulit,

di sana nag-aaruga ng batang paslit.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: